CAUAYAN CITY– Dumoble ang presyo ng mga bulaklak sa Cauayan City ngayong palapit ang araw ng mga puso o Valentines Day
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Wilmer Viloria, katiwala sa isang flowershop sa lunsod, sinabi niya na maganda ang bentahan ng bulaklak dahil marami na ang bumibili.
Aniya marami na ring nagpareserve ng bulaklak para sa Valentines Day.
May pagtaas naman sa presyo lalo na sa Rosas na madalas na inireregalo ng magkasintahan.
Aniya aabot sa 50-60 pesos ang kada isang stem ng rosas ngunit ngayon ay aabot na sa 100 pesos ang isang piraso.
Inaasahan naman aniyang tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa mismong araw ng mga puso at maaring umabot sa 150 pesos kada piraso dahil tiyak na dadagsa ang mga bibili para panregalo sa kanilang mahal sa buhay.
Mayroon namang sapat na suplay dahil may stock pa sila at may inaasahan pang darating na kanilang ibebenta.











