--Ads--

CAUAYAN CITY- Malaking epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Libya ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Amerika at Iran.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Inihayag ni G. Miguel Villagracia, Acting Pres. ng Filipino Parish Pastoral Council St. Francis Catholic Church sa Tripoli, Libya na dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East ay nagmahal na ang mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas.

Anya ang dating 3 Dinar na presyo ng 25 kilos na bigas ngayon ay umabot na sa 90 Dinar.

Dati ay ang pamahalaan ng Libya ang nagsu-subsidized ng bigas subalit ngayon ay nakadepende na sa bawat individual businessman na ang pag-import sa nasabing bansa.

--Ads--

Maging ang paboritong pagkain ng mga pinoy doon na hamburger na dati ay isang dinar lamang ay naging sampong dinar na habang ang presyo mga gulay ang nagtaas din

Ang ipinagsasalamat lamang nila ngayon ay libre ang kanilang tubig, kuryente at mura lamang ang gasolina doon.

Tinig ni G. Miguel Villagracia

Sinabi pa ni G. Miguel Villagracia na bagamat nagmahalan na ang mga pangunahing bilihin ay walang balak umuwi ang mga OFW sa Libya at halos magmakaawa pa sila sa kanilang mga amo na manatili sa kanilang bansa.