--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumaas ng hanggang limampong bahagdan ang presyo ng mga ibinibentang paputok  sa Fire Cracker Zone sa bahagi ng Baranagy Cabaruan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan  mayroon na umanong ilang mga residente ang nagtutungo sa lugar upang bumili at may Ilan na nagtatanong narin kung magkano ang presyuhan ng paputok ngayon taon upang tignan kung ito ay pasok sa kanilang budget.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Economic Enterprise Management and Development Officer Edwin Asis sinabi niya na malaki ang naging epekto ng pandemiya sa presyuhan at bentahan ng paputok ngayon taon.

Aniya bilang may-ari din ng Isang pwesto ng nagbebenta ng paputok sa Fire Cracker Zone ay tumaas din ang kanilang pag-angkat ng mga paputok sa Bulacan kayat tinatayang apatnapu Hanggang limampong porsyento ang tinaas sa presyo ng kanilang mga produkto katulad na lamang ng kwitis na nasa sampong piso na ang bawat piraso mula sa dating limang piso.

--Ads--

Pagpapahayag pa ni Ginoong Asis na pinakamahal pa rin sa mga ibinibentang nila paputok ang mga aerial fireworks na mayroong higit 300 shots na nagkakahalaga ng dalawang libo limandaang piso.

Ang bahagi ng pahayag ni City Economic Enterprise Management and Development Officer Edwin Asis.