CAUAYAN CITY- Tinututukan na ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI Isabela ang paggalaw sa presyo ng mga school supplies ilang araw bago ang school opening sa araw ng Lunes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Elmer Agorto, Consumer Protection Division Chief ng DTI Isabela, sinabi niya na nagsasagawa sila ng monitoring at binabantayan ng mahigpit ang presyo ng school supplies.
Aniya sa katunayan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ay naglunsad sila ng Diskwento Caravan sa lunsod ng Santiago.
Batay sa datos ng ahensiya alinsunod sa price guide ng Consumer Apprehension Advocacy Unit ng DTI ay naitala ang173 stock keeping units ng school supplies.
68% dito ay walang pagbabago habang 8% mula sa siyam na stocking units ay bumaba ang presyo .
Nilinaw din niya na maliban sa pagbabantay sa presyo ay pinaalalahanan din ang publiko na suriin ang mga bibilhing school supply tulad ng note books dahil hindi maiiwasan ang product imperfection.
Bilang isang mamimili aniya ay dapat alamin din ang responsibilidad para makatiyak sa kalidad ng mga produkto lalo na ay kabilaan na ang mga diskwento para sa school supplies.
Inaanyayahan din ang publiko na samantalahin ang diskwento caravan hanggang araw ng linggo upang makatipid.
Tampok sa Diskwento Caravan hindi lamang school supplies kundi maging iba pang produkto tampok ang mga MSME’s.