--Ads--

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na pag-aralan ang pagpapatupad ng temporary price cap sa mga produktong petrolyo habang umiiral ang national energy emergency.

Sa inilabas na 76-pahinang preliminary report ng bagong Senate committee on proactive response and oversight, binigyang-diin ni Gatchalian na ang sobrang taas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng mabigat na pasanin sa mga mamamayan at sektor na lubos na umaasa sa fuel.

Ayon sa senador, ang price cap ay maaaring magbigay ng agarang ginhawa ngunit dapat pa ring tiyakin na may makatuwirang kita ang mga kumpanya ng langis upang mapanatili ang suplay. Iminungkahi rin niyang pag-aralan ng DOE ang posibilidad ng subsidy mechanism para hindi lubos na maapektuhan ang industriya.

Kasama sa rekomendasyon ang paglalagay ng price ceiling sa household fuels gaya ng LPG at kerosene. Ang mga mungkahing ito ay bahagi ng mas malawak na plano ng pamahalaan upang tugunan ang epekto ng tensyon sa pagitan ng U.S., Israel, at Iran sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.

--Ads--