--Ads--

CAUAYAN CITY- Ang tinatawag na price war o mahigpit na kompetisyon ng mga oil player ang tinukoy ng Oil Management Bureau at hindi ang nababang kalidad ang dahilan ng mababang presyo ng mga produktong petrolyo sa ilang lugar tulad sa Bulacan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau Rodela Romero, ipinaliwanag niya na ang lahat ng mga petroleum products ay dumadaan sa quality standards.

Ang ibang oil company ay may ibang klase ng additives ngunit dapat lahat ng mga kompanya ay sumusunod sa Philippine National Standard sa petroleum products.

Ayon kay Asst. Director Romero, nagsasagawa ang DOE ng regular na inspection para ma-check ang compliance ng mga kompanya ng langis sa itinakdang standard.

--Ads--

Dapat tama ang quanttiy para hindi malugi ang kompanya at tama rin ang quality para hindi maapektuhan ang mga makina ng sasakyan.
Ayon kay Romero, maraming player sa isang lugar tulad sa Bulacan kaya nag-aagawan sila ng market share.

Anya ang ibang oil player bukod mas mababa ang presyo ay nagbibigay ng ibang benepisyo tulad ng promo campaign na isang marketing strategy para makahikayat ng mas maraming costumer.

Dahil deregulated ang oil industry sa bansa, tinitiyak aniya ng DOE na walang illegal o malpractice na ginagawa ang mga kompanya ng langis kundi tinitiyak nila na nakikinabang ang consuming public lalo na transport sector.