--Ads--

Kinumpirma ng Houthis na nasawi sa airstrike ng Israel ang Prime minister ng Houthi government sa Yemen na si Ahmad Ghaleb al-Rahwi.

Kasama rin sa nasawi ang ilang ministro sa ginawang pag-atake ng Israel Defense Forces (IDF)  sa kabisera ng Yemen na Sanaa nitong Huwebes, ika-28 ng Agosto.

Ayon sa mga Houthi, si Al-Rahawi na nagsilbing Punong Ministro sa loob ng halos isang taon ay tinarget habang dumadalo sa isang workshop kasama ang iba pang opisyal ng kanilang pamahalan.

Kinumpirma naman ng Israel nitong Biyernes na ang naturang operasyon ay nakatuon laban sa mga mataas na opisyal ng grupong kaalyado ng Iran, kabilang ang chief of staff, defense minister, at iba pang senior officials.

--Ads--