--Ads--

Binabalot ngayon ng kontrobersiya si Prime Minister Sanae Takaichi, dalawang araw bago siya manalo noong Lunes.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Hannah Galvez na ilang araw pa lamang matapos siyang mailuklok bilang babaeng punong ministro ng Japan ay inuulan na ng batikos si Sanae Takaichi dahil sa isyu ng imigrasyon.

Nangangamba ngayon ang mga dayuhan sa Japan matapos italaga ni Takaichi si ultra-nationalist Onoda Sanse sa Immigration Bureau, bunsod ng kontrobersyal na pahayag nito noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Maliban pa rito, may banta ng mass deportation laban sa mga illegal immigrants.

--Ads--

Marami rin ang tila hindi natuwa sa pagbisita niya sa libingan ng mga sundalong nasawi sa digmaan, dahil bilang miyembro ng Nippon Kaigi, sinasamba umano nila ang mga buto at abo ng mga yumao.

Si Takaichi ng Liberal Democratic Party ang ika-79 na punong ministro ng Japan. Siya ay dating protégé ni dating Prime Minister Shinzo Abe.

Sa loob ng dalawang taon, nag-aral si Takaichi sa Democratic Senate sa Amerika bilang student aide bago tumakbo bilang independent candidate.

Ipinatupad ni Takaichi ang pagbabawal sa same-sex marriage at ang paggamit ng mga kababaihan ng apelyido ng kanilang mga magulang sa halip na apelyido ng kanilang asawa.

Maliban dito, matagumpay na nailunsad ang Osaka EXPO 2025 na nakapagtala ng mahigit 25 milyong turista. Sa kabila nito, bumaba ang halaga ng Yen, subalit naging malaking tulong ang biglaang paglobo ng turismo ngayong taon—lalo na’t malaki ang nalugi sa Japan noong Osaka EXPO 2021 dahil sa pandemya.