--Ads--

Sinibak na sa puwesto ang principal ng isang eskuwelahan sa Antique na nag-viral matapos ipahubad ang toga ng mga estudyante sa isang graduation rites.

Matatandaan na nangyari ang insidente sa Colonel Ruperto Abellon National High School sa Laua-an, Antique noong Abril 15, 2025 kung saan nag-viral ang video ng pag-anunsiyo ng principal ng paaralan na si Venus Nietes, na hindi dapat magsuot ng toga ang mga graduating student alinsunod sa panuntunan ng Department of Education (DepEd) na gawing simple ang Graduation Ceremony.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DepEd Secretary Sonny Angara ay sinibak ang principal ng nasabing eskwelahan.

Nilinaw naman ni Castro na pinatasik lamang siya bilang Punong Guro ng eskwelahan subalit lisensyado pa rin ito at maaring makapagturo, bagamat susuriin pa rin kung ano ang klase ng kanyang behavior lalo na at isa siyang guro.

--Ads--

Pag-aaralan naman aniya ni Secretary Angara kung dapat sampahan ng kaso ang nasabing principal.