--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay sa pamamaril ang isang principal sa Quezon, Nueva Vizcaya matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ang biktima ay si Elmar Balallo, 48 anyos, may asawa, residente ng Quezon, Nueva Vizcaya at Principal ng Quezon National High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Jenifer Flores, hepe ng Quezon Police Station, pauwi na at papunta na sa kanyang sasakyan si Balallo pagkatapos ang kanilang foundation anniversary sa paaralan nang lapitan ng hindi pa nakikilalang pinaghihinalaan at binaril sa ulo.

Anya hindi pa nakuntento ang pinaghihinalaan at muling pinaputukan ang biktima upang matiyak na bawian ng buhay.

--Ads--

Dinala sa pagamutan si Balallo subalit idineklarang dead on arrival.

Inihayag pa ni Chief Insp. Flores na apat na basyo ng bala ng Cal. 45 baril.

Mayroon nang anggulong sinisiyasat ng pulisya kaugnay sa motibo sa pamamaril at pagpatay sa nasabing punong-guro.