--Ads--
Ibinunyag ni Priscilla Meirelles na divorce na sila ng asawang si John Estrada.
Siya raw mismo ang nag-ayos para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Taong 2024 nagpunta siya sa Brazil para mag-file ng divorce.
Bagama’t sa Pilipinas sila ikinasal, ipinarehistro raw ni Priscilla ang kanilang kasal sa Brazil kaya parehong valid ang kasal niya sa dalawang nabanggit na bansa.
Una, plano ni Priscilla na maghain ng annulment sa Pilipinas ngunit naantala ito dahil sa COVID-19 pandemic noong 2020.
--Ads--
Pero hindi raw ikinatuwa ni John ang pagpa-file niya ng divorce.
Nagpakasal sina Priscilla at John sa La Union noong 2011 at nagkaroon sila ng isang anak na babae.







