Hindi magiging madali ang proseso para sa pinaplanong Prisoner Swap ng Indonesia at Pilipinas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco isang Political Analyst, sinabi niya na hindi ganoon ka simple ang kagustuhan ng Indonesia na prisoner swap dahil sa magkaibang kaso ni Guo at Gregor Johann Haas.
Aniya si Haas ay itinuturing na pugante ng Indonesia dahil sa kasong drug trafficking habang si Guo ay hindi pa nasasampahan ng anumang kaso at siya ay maitututring lamang na undesirable allien dahil sa kanselasyon ng kaniyang pasaporte at dapat na ipadeport pabalik sa Pilipinas.
Magiging komplikado aniya ang proseso para sa extradition process para kay Hass dahil hindi a valid para sa kaniya ang deportation kung skalai mang deportation ang magiging opsyon ng DOJ si Haas ay ibabalik sa Australia at hindi sa Indonesia.
Ang Prisoner Swap ay nangyayari kung magkakaroon ng kasunduan ang dalawang Bansa gaya ng Pilipinas at Indonesia.
Sa ilalim ng kasunduan ang mga convicted criminal sa Pilipinas na mula sa Indonesia gayundin na pag may Pilipiong maikukulong sa Indonesia ay ibabalik na lamang sa kani-kanilang bansa para doon isilbi ang kanilang sintensya.