--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Private Security Guard dahil sa pagbebenta ng ilegal na baril sa Lungsod ng Ilagan.

Kinilala ang suspek na si Alyas “Judy”, 57-anyos at residente ng Cabisera 17-21, City of Ilagan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Noralyn Andal, tagapagsalita ng Ilagan City Police Station, sinabi niya na nakatanggap ang kanilang hanay ng impormasyon kaugnay sa ilegal na pagbebenta ng baril ng suspek.

Nagsagawa naman ng operasyon ang Ilagan City Police Station katuwang ang Isabela Police Provincial Office na nagresulta sa pagkaka-aresto sa naturang pinaghihinalaan.

--Ads--

Mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Ammunition Act maging sa Omnibus Election Code of the Philippines dahil sa umiiral na Gun Ban.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang pagsisiyasat ng kapulisan upang matukoy kung saan galing ang ibinibentang baril ng suspek.

Ayon kay PCap. Andal, patuloy ang ginagawa nilang pagmo-monitor sa mga indibidwal na mayroong baril at hinihikayat nila ang mga nag-iingat ng hindi lisensyadong baril na I-surrender ito sa kanilang opisina lalo na at umiiral sa ngayon ang Election Gun Ban.