--Ads--

Aabot sa 90% ng kabuuang bilang na 9,800 PNP personnel ng Region 2 ang itatalaga sa field ngayong Semana Santa.

Maliban pa ito sa augmentation mula sa PCG, AFP at BFP kung saan I-momobilize din ng PRO 2 ang mga auxillary teams para sa traffic management.

Nanatiling nasa heightened alert ang buong hanay ng kapulisan sa lambak ng Cagayan ngayong nagsimula na ang Mahal na araw na tatagal hanggang matapos ang Election period sa Hunyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2, sinabi niya na kasado na ang knailang Ligtas SUMVVAC 2025 bilang paghahanda na rin sa Semana Santa at summer vacation.

--Ads--

Aniya, sa ilalim ng kanilang Ligtas SUMVAC 2025 ay palalakasin nila ang presensya ng Pulisya sa mga Pambansang lansangan.

Hindi mawawala ang intensified Checkpoints at mga inilatag na motorist assistance centers sa mga strategic areas.

May mga established Police Assistance Desk din sa mga Paliparan, Bus Terminals, at Malls.

Sa ngayon may mga nakalatag nang checkpoints sa lahat ng exit at entrance point ng Region 2 maging sa lahat ng munisipyo sa lambak ng Cagayan.

Tinitiyak ngayon ng PRO 2 na sapat ang lakas ng kanilang hanay para matiyak ang seguridad ng puubliko at iba pang sektor.