--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng Police Regional Office o PRO 2 ang pagpapatupad ng Gun ban at paglalatag ng COMELEC checkpoints sa buong rehiyon kasabay ng pagsisimula ng election period.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Efren Fernandez,  tagapagsalita ng PRO 2, sinabi niya na tulad  ng mga nakalipas na taon ay awtomatikong ipinapatupad ng COMELEC ang gun ban tuwing panahon ng Halalan.

Ang pagapatupad ng gun ban ay isang preventive measures para sa maayos na halalan sa buwan ng Mayo at ang mga pahihintulutang mag-ingat at magdala ng baril sa panahon ng halalan ay dapat  kumuha ng Certificate of  exemptions ng baril  sa COMELEC.

Ayon kay Lt. Col. Fernandez sa pag-iral ng gun ban ay pansamantalang sususpindehin ang mga permit to carry firearms outside residence at license to possess firearms mula ikasiyam ng Enero hanggang ikawalo ng Hunyo ngayong taon.

--Ads--

Karaniwang exempted sa gun ban o sa mga iiral na alituntunin ang mga kawani ng pamahalaan na otorisadong magdala ng baril tulad ng mga law enforcers at miyembro ng Bureau.

Maaari namang mag-apply ng cetificate of exemption to carry firearm mula sa COMELEC ang mga security agencies at negosyante na karapat-dapat na magdala ng baril sa kasagsagan ng election period upang magkaroon ng book keeping at matukoy ang mga pinayagang magdala ng baril.

Inihayag pa ni Lt. Col Fernandez na mas mainam na mag-apply ng  exemption to carry firearms sa COMELEC ang mga gun owners habang hindi pa ipinapatupad ang Election Gun Ban.

Hindi naman saklaw ng Gun Ban ang mga PNP personnel na nagsisilbing security detail o VIP security ng ilang politiko.

Nilinaw ni Lt. Col. Fernandez  na mananatiling Apolitical ang hanay ng pulisya.

Sakali mang mapatunayan na sangkot sa pangangampanya ang isang pulis ay maaaring mapatawan ito ng kasong kriminal at administratibo tulad ng Insubordination at maaaring masuspendi sa serbisyo.

Tiniyak naman ni Lt. Col. Fernandez na ipagpapatuloy ng PRO 2 ngayong taon ang maganda nilang performance  noong nakaraang taon

Matatandaang na naitala ang mababang crime incident sa rehiyon sa ikatlong kwarter ng 2021.

Samantala, naging mapayapa rin ang pagsalubong ng bagong taon sa Rehiyon dahil walang anumang insidente o nabiktima ng ligaw na bala.

Magtutuloy-tuloy rin ang kanilang pro-active measure at mananatiling bukas ang kanilang mga quarantine o COMELEC checkpoints.

Ayon sa batas, plainview lamang ang maaring ipatupad ng Pulisya sa mga ilalatag na COMELEC check points sa buong rehiyon subalit hiniling ni Lt. Col. Fernandez ang pakikipagtulungan ng mga motorista at nakiusap na kung wala namang itinatagong kontrabando ay magkusa na lamang sa pagbukas ng kanilang compartment.