Nakapagtala na ang Police Regional Office o PRO 2 ng animnapung arrested person dahil sa paglabag sa Election Gun ban.
Mula ika-12 ng Enero hanggang nitong Marso ay may naisagawa na silang 66 operations at 60 sa mga ito ang nadakip habang 63 naman ang nasamsaman ng baril.
Nangunguna dito ang Lalawigan ng Isabela na may 32 operations at 25 arrested, sinundan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago.
Sa ngayon ay nanatiling zero naman ang election related incident sa Isabela na mababa kumpara sa dalawang insidenteng naitala noong nakaraang halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin sinabi niya na sa ngayon wala nang red category o red areas of concern sa Lambak ng Cagayan gayunman naka alerto pa rin ang PNP para sa nalalapit na halalan.
Aniya, tanging ang green and orange category na lamang ang binabantayan nila ngayon.
Kung matatandaan noong nakaraan, kabilang ang Jones Isabela sa Red Category subalit agad itong na downgrade.
Sa ngayon nakatutok na sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong Lambak ng Cagayan hanggang matapos ang halalan.
Naging abala rin ang pulisya sa pagbibigay seguridad sa ginawang Oplan baklas ng COMELEc sa pagsisimula ng local campaign period.