--Ads--

Pinag-aaralan ng Police Regional Office o PRO 2 ang pagtatanggal ng mga kama o higaan sa mga police stations sa buong Rehiyong Dos.

Sa naging pagsasalita ni Police Brigadier General Antonio Marallag Jr., ang Regional Director ng Police Regional Office 2, sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Isabela, sinabi nito na isa sa kanyang pinag iisipan ang pagtatanggal ng mga higaan sa bawat prisinto sa buong rehiyon

Binigyang diin nito na hindi tulugan ang police station para sa mga pulis na naka-duty.

May mga pagkakataon kasi aniya na ilan sa mga pulis ay nagpapahinga na kapag natapos na ang kanilang duty.

--Ads--

Tungkulin ng bawat pulis na maglingkod sa publiko tuwing oras ng kanilang pagsisilbi at hindi kasama rito ang pagtulog

Ayon pa sa kaniya, tanging mga Chief of Police lang dapat ang mayroong mga kama sa police station dahil 24 hours ang kanilang duty.