--Ads--

CAUAYAN CITY – Handang handa ang pamunuan ng Police Regional Office o PRO 2 sa pagpapatupad ng Gun Ban at Comelec Checkpoint simula ngayong araw para sa nalalapit na eleksyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol Efren Fernandez II, ang tagapagsalita ng PRO 2, sinabi niya na nakaset up na ang mga checkpoint ng PNP sa buong rehiyon.

Aniya tuluy tuloy ang  mga operasyon ng pulisya pangunahin na ang kanilang anti criminality campaign at kontra illegal firearms.

Nagsimula na ang gun ban kaninang madaling araw kaya mahigpit na magbabantay ang mga kasapi ng PNP pangunahin na sa mga checkpoints bilang paghahanda sa nalalapit na halalan dahil sa mga maaaring maganap na karahasan.

--Ads--

Bilang paghahanda sa eleksyon ay ipapatupad ang gun ban na kung saan ipagbabawal ang pagdadala ng baril o anumang deadly weapons sa mga pampublikong lugar kahit na may lisensiya maliban lamang kung may permit  o gunban exemption mula sa Comelec.

Sa pag iral ng gun ban at comelec check point ay paiiralin ng PNP ang plain view doctrine sa mga sasakyan at tanging mga bagay na makikita lamang ang maaaring sitahin ng hanay ng pulisya katuwang ang Comelec.

Hiniling naman ng PRO 2 ang kooperasyon ng mga mamamayan sa mga ilalatag na checkpoints upang mapanatili ang kaayusan at maipatupad ng pulisya ang kanilang protocol.

Ang bahagi ng pahayag ni PLtCol Efren Fernandez II.