
CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Police Regional Office 2 ang kahandaan ng kanilang hanay para sa pagsisimula ng pangangampanya ng mga National Candiate simula ngayong araw ng Martes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Efren Fernandez, Public Information Officer ng Police Regional Office 2 sinabi niya na tulad ng mga nakaraang halalan ay laging handa ang PRO 2 sa pagpapatupad ng mga ibinababang panuntunan ng Lupon ng Halalan o COMELEc tuwing panahon ng Eleksiyon.
Isa sa mga bagong panuntunan ng COMELEC ay ang inilabas na resolution number 10732 kung saan nakapaloob ang mga ipapatupad na panuntunan sa pangangampanya ng mga kandidato sa ilalim ng New Normal.
Isa sa mga nakasaad sa resolution ay ang pagbabawal ng in Person Campaign nang walang paalam at pahintulot mula sa COMELEC Campaign Committees mula National hanggang Provincial at Municipal Level.
Sa ilalim ng Rule number 4 nakasaad ang mga panuntunan na ipapatupad sa bawat Category Level.
Sa ilalim ng Category level 3 o Alert Level 3 papayagan lamang ang 50% operational capacity o venue capacity sa pagsasagawa ng mga caucus o meeting de avance o pagpupulong at tatlong support staff lamang ang papayagan sa bawat campaign leader.
Samantala, Nakatutok rin ang PRO 2 sa mga Lugar na itinuturing na Election hotspots noong mga nagdaang halalan.
Gayunman ay hihintayin pa ang pormal na listahan na ipapalabas ng COMELEC para sa mga Election hotspots ngayong taon.
Puntirya rin ng PRO 2 ang zero election related violence sa buong lambak ng Cagayan.
Wala namang naitatalang paglabag sa COMELEC Election Gun Ban, bagamat may naitalang Gun Ban Violation na resulta ng mga ikinasang police operations ng ibat ibang unit ng PRO 2.
May paalala naman si PLt. Col. Fernandez sa mga Police Personnel kaugnay sa ipinapatupad na Comelec Gun Ban na bagamat may Certificate of Authority ang PNP na magdala ng baril ay kailangan sila ay naka-uniporme.
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong Lugar.










