--Ads--

Walang naganap na anumang aktibidad sa labas ng ICC detention facility sa The Hague sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga kasong murder at attempted murder na may kinalaman sa madugong kampanya kontra droga.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Lucky Charm na bagamat naroon ang mga pro-Duterte at anti-Duterte groups, walang naganap na rally dahil karamihan sa kanila ay nakaantabay sa ginagawang pagharap ng depensa. Sa kabila nito, patuloy ang pagdagsa ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa The Hague para sa kani-kanilang mga aktibidad na kaugnay sa naturang pagdinig.

Hati ang pananaw ng mga OFW sa naging takbo ng paghahain ng argumento ng depensa, lalo na’t magkaiba ang proseso ng hukuman sa Pilipinas at Europa. Gayunman, naniniwala pa rin sila sa “second chances” at himala,nanindigan din siya ng kahandaang tanggapin ang anumang kalalabasan ng proseso habang ipinapakita ang matinding suporta sa dating pangulo.

Hinikayat din niya ang mga kapwa niya tagasuporta ni FPRRD na maging handa lamang sa anumang kahihinatnan ng confirmation of charges dahil tiyak aniya na marami ang magiging emosyonal.

--Ads--

Samantala, una nang nabanggit ni Vice President Sara Duterte na hindi na nila napag-uusapan ang posibilidad ng pagpapauwi sa kaniyang ama. Ayon sa kaniya, tanggap na rin umano ng dating pangulo ang anumang desisyon ng ICC at ang matagalang pananatili sa detention facility.