--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiparating  na ng Police Regional Office (PRO2) sa Camp Crame ang pagbaril at pagpatay kay Lt. Oliver Tolentino.

Sa naging panayam ng Bomb Radyo Cauayan, sinabi ni PLt. Col. Chevalier Iringan, Information Officer  ng PRO2 na ipinag-utos  ni Brig. Gen. Angelito Casimiro, regional director ng PRO2 kay Lt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station ang malalimang pagsisiyasat sa pagpatay kay Tolentino.

Ito ay para malaman ang motibo at matukoy ang mga pumatay kay Tolentino.

Nasa Isabela Police Provincial Office (IPPO) aniya ang pagpapasya kung bubuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa pagpaslang kay Tolentino.

--Ads--