--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa positive growth na 191,762 metric tons ang production ng mais sa buong rehiyon dos

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Ginoong Vincent Paul Balao, focal person ng Corn Program ng Kagawaran ng pagsasaka o DA region 2 na ang naitalang production ng Mais ay batay sa talaan ng PSA at Local Government Units.

Sinabi ng Focal Person ng Corn Program ng DA region 2 na nalampasan nila ang target prositive growth sa kabila ng pagsalanta ng mga bagyong  Pepito, Rolly   at Ulysis.

Nalampasan anya ang production ng mais sa rehiyon dos dahil sa  isinagawang intervention ng DA region 2 na pamimigay ng mga  hybrid seeds sa mga magsasaka.

--Ads--

Samantala, inihayag pa ni Ginoong Balao na sa ngayon ang natamnan na ng mais sa buong rehiyon dos ay umaabot na sa 148,140 hectares o 75% nang nakapagtanim ang mga magsasaka.

Natapos na rin anya ang pagbibigay ng mga hybrid corn seeds na aabot 4,723 bags sa labing siyam na Farmer Cooperatives and Associations  sa Cagayan.

Sinabi pa ni Ginoong Balao na natapos na rin ang pamimigay 9,274 bags ng hybrid corn na quick response fund sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Vincent Paul Balao, focal person ng Corn Program ng Kagawaran ng pagsasaka o DA region 2.