--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan ang profiteering sa hanay ng mga nagtitinda ng karne sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam, ang head ng meat section sa Cauayan City Private Market, sinabi niya walang basehan ang nasabing impormasyon dahil hindi naman alam ng mga nagsabi nito kung magkano ang tumatakbong presyo pati na ang gastos ng mga vendors sa pagbili ng kanilang ibebentang baboy.

Ayon kay Ginoong Taguiam hindi napapanahon ang pagkakaroon ng pagdikta sa Suggested Retail Price dahil sa kasalukuyang nararanasang pandemya at may African Swine Fever o ASF pang sumabay.

Aniya hindi dapat ito ang pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan dahil sobrang hirap na ang lahat dahil sa pandemya at dagdag pa ang nalalapit na pagbabayad ng buwis.

--Ads--

Hirap na umano sila sa pagbili ng baboy na kanilang ibebenta sa mga malalayong lugar na sila umaangkat para lamang may maisuplay sa mga konsumer sa lunsod kaya sana ay huwag nang dagdagan pa.

Sa kasalukuyan ay walang nakikitang alternatibo sa mataas na presyo ng karne ng baboy dahil pati ang mga frozen meat ay mahal na rin.

Aniya  may ibinibigay naman silang clearances sa presyo ng karne dahil binababaan nila ito mula sa 340 pesos ay ginagawa na lamang 300 pesos upang kahit papaano ay may kita pa rin sila.

Bahagyang bumuti naman ngayon ang bentahan ng karne ng baboy dahil may ilang supplier na ang nagsusuplay ngayon sa lunsod tulad ng mga mula sa Ilocos, Cagayan at Nueva Vizcaya.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Boyet Taguiam