CAUAYAN CITY- May paglilinaw ang Department of Agriculture o DA Region 2 kaugnay sa isang insidente ng umano’y harassment sa ginawang fertilizer distribution ng Providers Multipurpose Cooperative na naugnay sa politika sa Barangay Minanga , Naguilian, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Technical Director Roberto Busania ng DA Region 2, sinabi niya na ang tanging ipinagbabawal ng Comelec spending ban ay ang rice farmer financial assistance subalit ang pamamahagi ng abono, feeds, maging binhi ay pinapayagan ng DA at exempted sa spending ban.
Aniya sakatunayan ay may bagong ipapatupad na programa ang DA na Agri-puhunan pantawid program kung saan umaabot sa 60,000 pesos ang halaga na maaaring I-avail, 28,000 para sa production loan at 32,000 para sa pantawid puhunan, ito ay babayaran sa loob ng apat na buwan gamit ng monitoring card mula sa DA.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa lamang sila ng evaluation at endorsement sa mga kooperatiba kung saan mga miyembro lamang din nila ang benepisyaryo kung saan ang pera ay mangagaling sa Develoment Bank of The Philippines na mula sa pondo ng Kagawaran.
Paglilinaw niya na sa ngayon ang pautang na abono ng DA ay ipapatupad pa lalang at walang kinalaman sa nangyaring insidente sa Minanga gayunman may kaparehong programa din kasi ang Land bank na posibleng siyang nakakasakop sa naturang programa ng pautang.
Aniya tinitiyak ng DA na hindi magagamit ang anumang programa ng Kagawaran sa pamumulitika o pangangampaniya gayunman anumang pamamahagi nila ng farm inputs ay exempted sa Comelec.
Hanggat maaari din aniya ay iniiwasan nilang magkaroon ng presenya at programa ang sinumang kandidato sa mga aktibidad ng DA gaya ng seed and fertilizer distribution na madalas nilang isinasagawa sa kanilang stations maliban sa mga binhi na naka position na sa LGU’s.











