Nakatakdang bumalik muli ngayong araw, Enero 26 ang mga progressive groups at Makabayan bloc para ihain muli sa Kamara ang ikalawang impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y korapsyon sa flood control programs at pagsisingit ng badyet.
Noong Enero 22 ay hindi tinanggap ang inihaing ikalawang impeachment complaint na hindi tinatakan dahil wala sa bansa si House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil.
Sinabi ni Tinio na bumalik na galing Taiwan si Velicaria-Garafil kaya wala ng dahilan para hindi tanggapin ang impeachment complaint.
Kabilang naman sa complainant ay ang grupo ni Bagong Alyansang Makabayan President Renato Reyes, Makabayan Coalition President Liza Maza, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Teddy Casiño.
Ang nasabing reklamo ay iindorso naman ng Makabayan bloc sa pangunguna ni Tinio, Gabriela Partylist Rep. Sarah Elago at Kabataan Partylist Renee Co.
Bukod sa Makabayan bloc ay naghain rin ng ikatlong impeachment laban kay PBBM ang Duterte groups pero hindi rin ito tinanggap ng House Secretary General noong Huwebes ng hapon.
Sa kasalukuyan, ang unang impeachment laban kay PBBM na nakahain sa Kamara na naipadala na kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III ay ang inihain ni Atty. Andre de Jesus at inindorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie “Jett” Nisay










