--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) Regional Office 2 na dahil sa Project Class Homes ay maraming mga estudyante ang nagpapatuloy sa pag-aaral sa Sinundungan Valley, Rizal Cagayan.

Sa naganap na UP-UP Cagayan Valley sa lungsod ng Cauayan, ibinahagi ni Head- Public Affairs  Unit, Amir Aquino

ng DepEd Regional Office 2, na ang Project Class Homes ay matatagpuan sa Sinundungan Valley, Rizal Cagayan at mayroong 96 na mga estudyante ang benipisyaryo.

Layunin aniya ng programa na matulungan na mapadali ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa nasabing lugar.

--Ads--

Hirap kasi aniya ang mga mag-aaral na makapasok sa kanilang paaralan dahil kinakailangan pa nilang tumawid sa ilog ng pitong beses para lamang makapasok.

Dahil sa programa, nagkaroon umano ng tatlong dormitoryo  na siyang naging tirahan ng mga estudyante, at dahil dito ay wala nang naitalang kaso ng drop out.

Sa kabuoan, mayroon nang Limampu’t apat (54) na benipisyaryo ang inaasahang makakapagtapos ng Grade 12 sa susunod na school year.

Aniya ang Project Class Homes ay isa sa mga itinuturing na malaking proyekto at achievement ng Department of Education.