--Ads--

CAUAYAN CITY – Umani ng papuri ang isang barangay kapitan sa Lunsod ng Ilagan sa inilunsad na proyekto para mabigyan ng tulong ang mga mag-aaral at guro sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Matagumpay ang Project Timba ng Sta. Catalina, Lunsod ng Ilagan sa pamumuno ni Barangay Kapitan Freddie Peralta.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Peralta, sinabi niya na laman ng timba na kanilang ipinapamahagi ay mga school supplies para sa mga batang mag-aaral, thermal scanner, disinfectant tulad ng alcohol, sabon, face mask at mga vitamin.

May bond paper na maaaring gamitin ng mga guro sa kanilang learning modules.

--Ads--

Mahigit 30 ream ng bond paper na ang kanilang naibigay sa paaralan sa kanilang barangay.

Ayon kay Barangay Kapitan Peralta, sa pamamagitan ng tulong ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na residente ng kanilang barangay ay naipatupad nila ang Project Timba.

Bukas ang tanggapan ng barangay kapitan para sa mga gustong mag-donate upang mapalawak ang paghahatid nila ng tulong ngayong panahon ng pandemya.

Ang pahayag ni Barangay Kapitan Freddie Peralta.