Inihayag ng International Criminal Court (ICC) nitong Sabado ang proseso sa apat (4) na araw na confirmation of charges hearing kaugnay ng kaso ng crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kontrobersyal na kampanya kontra droga.
Ayon kay ICC spokesperson Oriane Maillet, magsisimula ang hearing sa Pebrero 23. Ipinaliwanag niya na hindi ito trial, kundi pre-trial hearing lamang.
Sa yugtong ito, hindi pa papasiyahan ng mga hukom ang pagiging inosente o guilty ni Duterte. Sa halip, susuriin palamang ng pre-trial judges kung sapat ang ebidensya upang dalhin sa trial ang kaso ng dating Pangulo.
Naunang inihayag ng ICC na hindi pinapayagan ang trial sa kawalan ng akusado kung makumpirma ang mga kaso. Gayunpaman, pinayagan ng Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ni Duterte na ipagpaliban na dumalo sa confirmation of charges hearing kasabay ng kanyang kalusugan.
Ayon kay Maillet, sa apat na araw ng hearing, maririnig ng Pre-Trial Chamber I ang argumento ng prosecution, defense, at mga legal representatives’ ng mga biktima.
Pagkatapos nito, magkakaroon daw ng 60-araw ang mga hukom upang suriin ang ebidensya at gumawa ng desisyon kung uusad sa trial ang kaso.










