Ipinaliwanag ng isang abogado ang proseso ng impeachment matapos ang pag-usad ng impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na ang impeachment ay isang constitutional process na isang paraan para mapanagot ang mga matataas na opisyal ng bansa.
Mayroon aniyang tatlong pamamaraan sa paghahain ng impeachment complaint – una rito ay kapag mayroong ordinary Filipino Citizen ang naghain ng impeachment na inindorso ng kahit isang miyembro ng Kamara, pangalawa, ay kapag mayroong isa o dalang miyembero ng kamara ang nag-file at ang ikatlong pamamaraan ay kapag at least 1/3 ng miyembro ng House of Representatives ang nag-file.
Kapag may na file ng impeachment ay ita-transmit ito sa Senado na siyang magsasagawa ng trial bilang isang impeachment court kung sasan tatayong Judge ang mga Senador.
Kinakailangan naman ng 2/3 ng Senado para ma-convict ang isang Opisyal.
Sa impeachment Trial ay ilalatag ang mga ebidensya laban sa isang opisyal gaya na lamang ng testimonial evidence at documentary evidence ngunit ang Senado ang magtatalaga ng sarili nilang rules kung paano ito isasagawa.
Kung sakali ma-impeached ang isang opisyal ay matatanggal ito sa pwesto at maaaring hindi na siya mabibigyan pa ng pagakakataon na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno ngunit hindi ito makukulong dahil wala itong kaugnayan sa Criminal at administrative liability ng na-impeached na opiyal.











