Mayroon umanong Constitutional Concerns sa poseso ng pag-impeached ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na hindi maipagkakaila na minadali ng mababang kapulungan ang pagpasa ng ika-4 na impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Ayon aniya sa rules ng house of Representatives, kapag ang isang complaint ay pinirmahan ng 1/3 na miyembro ng kamara, kinakailangan itong sumpaan ng mga lumagda sa harap ng Secretary General.
Nasa 215 na miyembro ng House of Representatives ang lumagda sa ika-4 na impeachment complaint at nakakapagtaka umano kung paano ito nagawa ng mahigit 200 kongresista sa loob lamang ng isang araw.
Ayon aniya sa saligang batas, kapag naipasa na umano sa Kamara ang impeachment complaint ay dapat umano itong aksyunan agad ng Senado ngunit taliwas umano ito sa pananaw ni Senate Pres. Chiz Escudero.
Maaari naman umano na magkaroon ng special session sa senado kahit pa naka-adjourn ito kung gugstuhin ng senate congress o ng Pangulo ng bansa.