CAUAYAN CITY- Naglabas ng ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa guidelines ng class susspenssion tuwing makakaranas ng mainit na panahon ang Lalawigan ngayong pagsisimula sa dry season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Atty. Constante Foronda, sinabi niya na ipinalabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang isang executive order kung saan inaatasan ang lahat ng mga Paaralan sa Lalawigan na mag suspinde ng klase o mag shift sa alternative learning mode kapag umabot sa 41-degree celcius pataas ang heat index sa Lalawigan ng Isabela.
Aniya bagamat may sariling discretion ang bawat school head sa pagsuspinde ng klase dahil sa mainit na panahon ay minabuti nilang mag labas ng executive order para magkaroon ng uniformity sa lahat ng Paaralan sa buong Lalawigan.
Pangungunahan ng Provincial DRRM Office ang coordination sa SDO maging sa pribadong paaralan para sa expected heat index mula sa datos ng PAGASA na siyang magiging batayan sa kanselasyon ng klase.
Mula kahapon ng I-anunsyo ang pagsisimula ng dry season ay 41 degree celcius pa lamang ang naitatalang heat index sa Lalawigan ng Isabela subalit may mga kaakibat parin itong peligro sa kalusugan.
Paalala niya na ugaliin na ang uminom ng walong baso ng tubig sa buong araw, mag suot ng maluwag o komportableng kasuutan, para makaiwas sa heat stroke ay manatili sa loob ng bahay kung hindi kailangan lumabas.