Ipinapaabot ng PESO Isabela na magkakaroon ng isang province-wide Job Fair bilang bahagi ng selebrasyon ng Bambanti Festival 2026. Gaganapin ito sa Enero 20, 2026, mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Ground Floor, Queen Isabela Park, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PESO Manager Jeng Reyes, inanyayahan niya ang lahat ng interesadong aplikante na dumalo at magdala ng maraming kopya ng kanilang updated resume, photocopy ng diploma, at iba pang mahahalagang dokumento.
Para sa mga employer naman na nais lumahok, hinihikayat na ipadala ang kanilang mga requirements sa pesoisabelaemploymentunit@gmail.com o pesoprovinceofisabela1@gmail.com o tumawag sa numerong 0926-557-1804.
Kasama sa mga kinakailangang dokumento ang Letter of Intent na nakaaddress kay Ms. Cecilia Claire N. Reyes, PESO Manager, listahan ng mga bakanteng posisyon kasama ang qualifications at bilang ng posisyon, job poster, at Mayor’s Permit.
Hinihikayat naman ng PESO Isabela ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito upang makahanap ng trabaho o makahanap ng mga kwalipikadong aplikante sa lalawigan.











