CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Labor Sectoral Representative ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na tuloy-tuloy ang gagawing mga programa ng Provincial Government upang mapababa ang unemployment rate sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Evyn Jay Diaz, Labor Sectoral Representative ng Isabela, sinabi niya isa sa mga plataporma ng pamahalaang panlalawigan ang mapalakas ang labor market sa lalawigan na makakapabigay ng trabaho sa nakararami.
Aniya, quarterly o apat na beses sa isang taon nagsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) Isabela ng Job Fair na layuning makapagbigay ng trabaho sa maraming Isabeleño.
Maliban sa job fairs ay mayroon ding mga isinasagawang aid distributions ang Provincial Government para sa mga nangangailangan katuwang ang National Agencies at iba pang mga ahensiya.
Kung ikukumpara naman noong panahon ng pandemya ay malaki umano ang ibinaba ng unemployment rate sa Isabela