--Ads--

Tuloy-tuloy ang monitoring ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa paggalaw ng Bagyong Uwan habang pinaghahandaan ang paglapit nito sa kalupaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Governor Kiko Dy, sinabi niya na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa buong probinsya ng Isabela hanggang sa antas ng barangay.

Pinakikiusapan niya ang mga residente na makipagtulungan at sundin ang anumang abiso mula sa kanilang mga kinauukulan, lalo na para sa pre-emptive evacuation sa mga flood-prone areas na malapit sa ilog.

Hindi na dapat, aniya, hintayin pa ang epekto ng bagyo o ang pagtaas ng antas ng tubig bago lumikas, dahil ang prayoridad ay ang buhay ng bawat isa.

--Ads--

Naatasan na rin ang mga opisyal ng barangay na kilalanin ang mga pamilyang kailangang ilikas.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na nakahanda ang stockpile at pre-positioned na ang mga Family Food Packs na ipapamahagi sa mga maaapektuhang residente.

Nakatalaga na rin ang mga tauhan o response units sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan na siyang mangunguna sa pagtugon sa magiging epekto ng bagyo.