CAUAYAN CITY- Umapela ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pamunuan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) na maglaan ng karagdagang pondo upang madagdagan din ang pondong pambili ng NFA sa mga aning palay at mais sa lalawigan
Kalakip din ng sulat ni Governor Fautino Dy III kay Kalihim Manny Piñol ng DA na ang NFA ay kinakailangan ding bumili ng mga sariwang palay at mais sa dahilang nahihirapan ang mga magsasaka na magbilid sa mga bagong aning butil dahil sa madalas na pag-ulan dulot ng sunod sunod na sama ng panahon.
Sa ngayon ay hindi bumibili ang NFA ng mga sariwa o wet palay at mais sa Isabela.
Magugunitang maliit na pondo lamang ang inilaan ng NFA para pambili ng mais at palay sa Isabela at limitado pa ang maaaring ibenta ng isang magsasaka.




