--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatupad ng paghihigpit ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela bilang pag iingat sa Delta Variant ng Covid 19.

Matatandaan na may mga naitala nang kaso ng nasabing strain sa karatig na rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, ang Information Officer ng Lalawigan ng Isabela sinabi niya na nagpalabas ng Executive Order no. 23 si Gov. Rodito Albano na may layong magpatupad ng karagdagang paghihigpit upang hindi makapasok sa Isabela ang Delta Variant ng Covid 19.

Kailangan nang magsuot ng double facemask ang mga mamamayan upang mas matiyak na hindi mahawaan ng virus.

--Ads--

Ipagbabawal naman ang mga facemask na mayroong vent o butas na pwedeng pasukan ng hangin.

Maaari namang magsuot parin ng mga telang facemask basta napapanatiling malinis at laging nalalabhan.

Kailangan ding hindi palaging hinahawakan ang facemask upang makaiwas sa virus.

Magbibigay naman ang pamahalaang panlalawigan ng libreng facemask sa pamamagitan ng General Services Office at ito ay ibibigay sa PNP na siyang magpapakalat sa mga mamamayan na hindi nakakasunod.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Elizabeth Binag.

Maliban sa facemask ay kailangan pa ring magsuot ang publiko ng full faceshield.

Ipagbabawal naman ang mga visor type na faceshield at kailangang isuot ito habang suot din ang facemask.

Maaari namang tanggalin ang face shield kung kailangan lalo na kapag nagtatrabaho.

Mananatili naman sa 30% ang pinapayagang kapasidad ng maaring makapasok sa isang establisimiento habang 20% capacity naman ang mga religious gatherings.

Ang mga edad labing walo pababa at animnaput lima pataas lalo na ang mga mayroong comorbidity ay pinaalalahanang manatili lamang muna sa kanilang mga bahay maliban kung mayroong emergency.

Mahigpit na babantayan ng Philippine National Police o PNP at ng mga local chief executives ang compliance ng lahat sa nasabing kautusan at ang mga mahuhuling lalabag ay may kaukulang multa na naaayon pa rin sa Provincial at local Ordinances.

Ang karagdagang pahayag ni Atty. Elizabeth Binag.