CAUAYAN CITY – Plano ng Provincial Govt. ng Isabela na bumili ng makabagong makinarya bilang tugon sa epekto ng El Niño Phenomenon
Ito ay isa sa mga paghahanda ng pamahalaang panlalawigan sa banta ng El Nino Phenomenon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Governor, Rodito Albano III, sinabi niya na pinagpaplanuhan na nila kung paano mababawasan ang epekto ng tagtuyot.
Nanawagan naman siya sa lahat ng magsasaka na huwag mag-alala dahil handa ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.
sinabi niya na ang nasabing teknolohiya ay nakatutulong upang walang masayang na bigas at makagawa ng bigas ng puno ng bitamina.
Aniya, sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya ay maaaring makabuo ng Fortified Rice mula sa bidlib ng bigas na tutunawin, dadagdagan ng bitamina at huhumalmahin upang muling maging butil ng bigas.
Sa tulong ng fortified rice ay target ng pamahalaang panlalawigan ang Quality vs. Quantity kung saan kahit kaunti lamang ang bigas na kakainin ay punong-puno naman ito ng bitamina.
Ngayong taon ay nakatakda nang bumili sa Germany ng nasabing makinarya ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.