--Ads--

Nagbigay ng babala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa maagap na paghahanda ng mga high-risk areas sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan.

Ayon kay Vice Governor Kiko Dy, tinitiyak ng provincial government na handa ang lahat ng ahensya matapos ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kasama ang iba’t ibang tanggapan.

Pinaghahandaan na ang mga lugar na madalas bahain, may landslide risk, at mga coastal area na maaaring maapektuhan ng storm surge, lalo’t posibleng maging super typhoon ang bagyo bago mag-landfall.

Batay sa PDRA, nagsimula na ang NIA-MARIIS sa preventive water releasing mula sa dam upang mapaghandaan ang malakas na ulan.

--Ads--

Tiniyak ni Dy na nakahanda ang mga family food packs, non-food items, at radio communication systems sakaling magkaroon ng power outage, lalo na sa baybaying bayan.

Hinikayat niya ang publiko, partikular ang mga nasa high-risk areas, na agad lumikas kung kinakailangan at unahin ang kaligtasan.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Exiquiel Quilang, Spokesperson ng PDRRMO Isabela sinabi niya na ginanap na Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ay naihanda na ang pitong Water Search and Rescue o WASAR Teams na idedeploy sa mga lugar na maapektuhan ng pagbaha.

Bagamat iniiwasan ng pamahalaang panlalawigan ang paglala ng panic sa mga residente ay hinimok ang mga nasa mababa at bahaing lugar na agahan na ang paglikas upang makaiwas sa panganib.

Aniya huwag na dapat hintayin ang hindi magandang lagay ng panahon tulad kapag inabot na ng baha ang bahay saka lamang lilikas dahil pahirapan na ang pagrescue para sa mga otoridad.