--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasalukuyan na ang pagbabakuna ng Provincial Health Office sa mga nasa A3 Priority List o ang mga may comorbidities.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mila Villar, ang Provincial Health Officer ng Quirino sinabi niya na prayoridad pa rin nilang binabakunahan ang mga Frontline Healthworkers at lahat ng mga senior citizen.

Nasa 21% na ng 148,000 na kabuuang elligible na populasyon na target ng Lalawigan upang makamit ang herd immunity.

Ayon kay Dr. Villar kung magtutuluy-tuloy ang pagdating ng bakuna ay maaaring maabot nila ang target na mabakunahan hanggang unang bahagi  ng taong 2022.

--Ads--

Dahil mayroong third party logistics ang Lalawigan ng Quirino at may sarili din silang ultra low freezers para sa paglalagyan ng bakuna ay maayos na nagagawa ang vaccination rollout.

Ayon kay Dr. Villar nahihirapan silang kumbinsihing magpabakuna ang mga senior citizens na nasa mahigit sampung libo pang kailangang mabakunahan.

Aniya patuloy naman ang pag-iikot ng mga municipal health officers na nagtutungo na sa mga malalayong barangay upang hikayatin ang mga senior citizen na nag aalangan paring magpabakuna kontra covid 19.

Sa kasalukuyan ay ang bakuna ng Johnson and Johnson na Jannsen Vaccine ang ibinabakuna sa mga senior citizen sa Lalawigan ng Quirino na inaasahang matatapos ang rollout ng bakuna para sa mga senior citizen sa ikaanim ng Agosto.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Mila Villar, ang Provincial Health Officer ng Quirino.