Naghahanda na ang Provincial Tourism Office para sa nakatakdang pagbubukas ng Bambanti Festival 2026 sa darating na Linggo, Enero 18, 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Joanne Maranan, taun-taon ay tampok sa Bambanti Festival ang Agri Eco-Tourism Booth Competition.
Maliban sa mga booths, isasagawa rin ang kauna-unahang pagluluto ng pinakamalaking Pancit Cabagan, Makan ken Mainnom, Queen Isabela 2026, Street Dance Competition at Showdown Competition, Bambanti Musical, Awarding, at ang Grand Concert sa Queen Isabela Park at Isabela Sports Complex.
Sa Martes, isasagawa rin ang Job Fair para sa mga naghahanap ng trabaho sa Provincial Capitol Grounds.
Bukod dito, marami pang iba’t ibang events ang nakahanay para sa taunang aktibidad. Inaanyayahan ang lahat na makisaya at makiisa sa Bambanti Festival 2026.
Sa katunayan, ngayon pa lamang ay kanya-kanya na ang iba’t ibang Local Government Units sa pagtatayo ng kanilang booths.










