--Ads--

Mas pinalawak pa ng Provincial Veterinary Office ang ginagawa nilang surveillance sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever sa Lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinarian Dr. Belina Barboza sinabi niya na sa ngayon ay pinag-aralang isailalim na sir sa surveillance ang Bayan ng Cabatuan at Lunsod ng Cauayan.

Aniya tuloy tuloy pa rin ang kanilang monitoring kung saan mas nilakawan pa nila ang area of surveillance para matukoy ang hanganan ng mga lugar na apekatado na ng African Swine Fever.

Ito ay matapos na magkaroon na ng kaso ng ASF sa Bayan ng Angadanan Isabela.

--Ads--

Ang hakbang na ito ay para maagapan ang posibleng pagpasok ng ASF sa naturang mga lugar kahit wala pang naitatalang aktibong kaso sa Cabatuan at Cauayan City.

Paliwanag niya na natukoy na isa sa pinakamalapit na Barangay ng Lunsod ng Cauayan sa naapektuhang lugar sa Angadanan ay ang Barangay Gappal gayundin na halos magkalapit lamang ang Cauayan at Cabatuan.

Sa ngayon ay nangolekta na rin sila ng blood testing sa apat na karagdagang Barangay sa Angadanan Isabela kung saan lahat ito ay nag positibo sa ASF.

Liban sa Angadanan at San guillermo Isabela  ay apektado ng rin ng ASF ang San Manuel Isabela kung saan isang pig raiser ang naitalang apektado.

Sa kanilang pagiimbestiga sa Bayan ng San Manuel napag alaman ayon na rin sa may-ari o nag aalaga ng baby na wala namang ibang baboy na pumapasok sa lugar subalit maaaring nakapasok ang virus na hindi namamalayan ng pig raiser.

Dagdag pa ni Dra. Barboza na may biuong team para sa pagkolekta ng blood samples at nag mga baboy na magpopositibo ay agad na pupuntahan ng culling team.

Bilag resulta ng muling pagkatala ng kaso ng ASF ay bumaba na ang presyo sa live weight.

Sa kabila nito ay umaasa ang Provincial Veterinary Office na magkakaroon parin ng sapat na tustos ng baboy pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Paalala ng mga kinauukulan para maiwasan ang paglaganap ng ASF ay iawasan ang pag katay ng baboy sa barangay o ang pauraga system.

Sa katunayan ay nakipag ugnayan na sila sa mga Barangay na may kaso ng ASF para sa mahigpit na monitoring sa naturang alituntunin.