--Ads--
CAUAYAN City- Personal na nagpaabot ng tulong pananalapi si Governor Faustino Dy III sa mga nasugatang sundalo sa kanyan pagdalaw sa AFP Medical Center .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Retired Major General Benito Ramos, dating pinuno ng First Scout Ranger Regiment ng Special Forces ang pasasalamat sa ngalan ng Special Forces ng AFP dahil sa pagkakaloob ng tulong ni Gov. Dy sa mga sugatang sundalo na nasa AFP Medical Center .
Aabot anya sa P250,000.00 ang ipinagkaloob na financial assistance ng Provincial Government ng Isabela sa mga nasugatang sundalo habang nakikipag-laban sa maute terror group sa Marawi City.




