--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa limamput tatlong bahagdan na sa target ang PSA Isabela sa kanilang step 2 registration ng National ID.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na nagpapatuloy ang pagsasagawa ng registration ng ibat ibang munisipalidad sa Isabela lalo na ang mga naapektuhan ng Covid 19 at napilitang ipagpaliban ang pagtatala upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Aniya ngayon ay tuluyan na ring nagbukas ang mga registration center ng mga munisipalidad na maraming naitalang kaso ng Covid 19 sa mga nagdaang buwan.

Ayon kay Director Emperador nasa 53% ng inaasahang registrant na mahigit apat na raang libo ang kanilang kasalukuyang inaassess para sa step 2 registration.

--Ads--

Dahil sa kasalukuyang sinusunod na mga health protocols ay mahirap para sa mga registration centers na hindi kaagad nakapagsimula dahil sa pagdagsa ng mga mamamayan na nagnanais magpatala para sa National ID.

Hinikayat naman ng PSA Isabela ang mga ito na gawing by schedule o by purok na lamang ang kanilang registration upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa registration centers.