--Ads--

Umani nang malaking atensiyon sa social media ang psych-rock band na “The Velvet Sundown” matapos magkaroon ng mahigit isang milyong listeners sa music streaming service na Spotify sa loob lang ng dalawang linggo.

Ang banda, na two weeks ago lang ipinakilala online, ay mabilis na sumikat matapos maglabas ng dalawang album.

Lumabas ang mga espekulasyon na AI-generated lang ang banda matapos mapansin ng mga netizens na gawa sa AI ang kanilang mga larawan at walang matunton na totoong pagkakakilanlan sa mga miyembro nito.

Kinumpirma ng mga nasa likod ng proyekto na ang The Velvet Sundown ay isang “synthetic music project” na gumagamit ng artificial intelligence para likhain ang kanilang musika, boses at imahe, habang may gabay pa rin ng human creative direction.

--Ads--

Pinakasikat na kanta ng banda ang “Dust on the Wind,” na umani na ng mahigit 500,000 plays sa Spotify at napasama sa mga sikat na playlist.

Habang patuloy na lumalawak ang presensiya ng AI sa industriya ng musika, marami ang nagtatanong kung ano ang magiging epekto nito sa hinaharap ng tradisyonal na paglikha ng awitin.