CAUAYAN CITY- Handa na ang plano ng Public Order and Safety Division o POSD ng Cauayan City para sa magiging maayos na lagay ng trapiko sa papalapit na holiday season
Sa naging panayaman ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Pilarito Mallillin, Chief ng POSD Cauayan, sinabi niya na hindi sila magpapatupad ng coding scheme kahit na inaasahan ang mas madaming bilang ng mga sasakyan ang dadagsa sa lungsod sa holiday season
Aniya, hindi pabor ang mga tricycle driver sa pagpapatupad nito na umaasa lang din sa kinikita sa pagpapasada
Kaya naman minabuti ng POSD Cauayan na huwag ng magpatupad ng coding dahil maayos naman ang daloy ng trapiko sa lungsod lalo na at bukas ang lahat ng kalsada sa poblacion.
Paalala lang ni Mr. Mallillin dapat ay maging disiplinado ang mga tricycle driver at iwasan ang double parking dahil ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa kalsada.
Nakiusap din siya sa mga kababayan nating magsisimba na kung maari ay pumunta sa mga designated churches na malapit sa kanila at huwag ng magkumpol kumpol sa iisang simbahan upang maiwasan ang traffic sa kalsada.