--Ads--

Tiniyak ng Public Order and Safety Office ang kahandaan sa pagbabantay sa darating na Bambanti Festival at Queen Isabela 2025 na gaganapin sa January 19 hanggang 25, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Officer Kim Patrick Agbayani ng Provincial Government ng Isabela sinabi niya na makakatuwang nila sa pagbabantay ang Provincial Security Group, Bureau of Fire Protection, ISMart Riders at mga volunteers mula sa Brgy. Alibagu pangunahin ang mga tanod.

Handa na aniya ang traffic, parking at route plan matapos ang mga isinagawa nilang committee meeting at para sa implementasyon na lamang ang mga ito.

Magkakaroon ng one way scheme sa Capitol Compound at Isabela Sports Complex.

--Ads--

Humingi naman siya ng paumanhin dahil hindi papayagang pumasok sa compound ang mga public utility vehicles at may designated drop off point o loading/unloading area sa pambansang lansangan.

Light to moderate traffic lamang naman ang inaasahan nilang sitwasyon sa kasagsagan ng festival dahil four lanes naman ang harapan ng capitol compound.

Mula sa Green Heights Subdivision hanggang Iselco Junction ay hindi papayagan ang pagparada sa shoulder ng kalsada upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko.