--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na nakalabas sa piitan ang isang guro matapos maglagak ng piyansa sa kasong rape by sexual assault na isinampa laban sa kanya sa korte.

Inaresto ang 28 anyos na guro, binata at residente ng Echague, Isabela ng mga miyembro ng Echague Police Station sa pamumuno ng kanilang hepe na si PMaj Andy Orilla.

Ito ay sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio Ong, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 24 sa Echague, Isabela sa kasong rape by sexual assault.

Nagrekomenda ang korte ng Php 120,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na dinala sa Echague Police Station para sa dokumentasyon bago dinala sa court of origin.

--Ads--