--Ads--

Mas makakabuting buksan sa mga dayuhan na may-ari ng Public Utilities  at public Service Companies para mapaganda ang serbisyo sa publiko.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Domingo Cayosa, dating IBP President sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan matapos lagdaan ang batas na nagpapahintulot na ng pagkakaroon ng foreign ownership sa Telcos, Airlines at Railways sa bansa.

Sinabi ni Atty. Cayosa na magandang ginawang batas ang Republic Act 11659 o Public Service Act dahil maraming mga Foreign  investors sa naturang mga sector ang maaring mamuhunan sa bansa.

Noong hindi pa nilagdaan ang naturang bagong batas ay kailangang  Filipino owned Corporation ang mga nasa sektor ng Public Utilities  at public Service Companies tulad ng TELCOS, Water Utilities at transportation subalit ngayon ay maaari nang dayuhan ang mag-may-ari nito.

--Ads--

Sa ibang bansa ay ginagawa na ito at dapat din itong gawin sa Pilipinas upang maging bukas ang kompetisyon at maiwasan ang mga dummies na nagmamay-ari ng mga korporasyon sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay maaayos na rin ang mga serbisyo ng  Telcos, Airlines at Railways sa bansa na ang makikinabang ay ang mga mamamayan.

Kailangan na ang nagmamay-ari ng mga sektor ng transportasyon at komunikasyon ay may kakayang makipag-paligsahan sa efficiency  at capitalization.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Domingo Cayosa.