--Ads--

Binalaan ng mga awtoridad ang publiko tungkol sa pekeng eGovPH app na ginagamit umano ng mga scammer para mangdaya.

Ayon sa Facebook post ng eGovPH, may mga scammer na nagpapanggap na nag-aalok ng tulong sa pagrerehistro o pagbe-verify gamit ang umano’y lehitimong application.

Kinokontak ang biktima sa pamamagitan ng tawag, e-mail, o chat at hinihikayat silang i-download ang pekeng app, magsumite ng personal na impormasyon, at magbigay ng live selfie. Kapag nasunod ang mga hakbang na ito, puwedeng makompromiso ang account at makuha ang laman ng mobile wallets at digital banks, kaya pinapayuhan ang publiko na maging maingat at huwag magpapadala sa mga nagpapanggap.

Inirerekomenda rin ng mga awtoridad na i-report agad ang mga insidente sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at gamitin lamang ang opisyal na eGovPH app.

--Ads--