--Ads--

CAUAYAN CITY-Nakaantabay ang Department of health sa pagtugon sa mga sakit na kadalasang naitatala ngayong malamig ang panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Paulene Keith Atal, Head ng Health promotion unit ng DOH Region 2, sinabi niya na ngayong holiday season ay marami ang nagkakaroon ng Respiratory illnesses kagaya ng Ubo at sipon, maging ang trangkaso, COVID at asthma.

Marami rin aniya silang naitatalang food poisoning lalo na kapag hindi maayos ang pagkakahanda sa pagkain.

Dahil sa kabi-kabilaan ang handaan ay marami ang maaaring magkaroon ng acid reflux.

--Ads--

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pagamutan sa kanilang mga local counterparts upang mamonitor ang mga nabanggit na sakit sa kanilang nasasakupan.

Sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na ulat na nagkukulang na ng spaces sa mga Hospital sa Lambak ng Cagayan.